Inaresto ang siyam na Chinese national at isang Pinoy sa large-scale illegal mining site sa Barangay Lobo, Cantilan, Surigao del Sur.
Narekober ang heavy equipment at mining paraphernalia sa tatlong natukoy na site na pinaniniwalaang ginagamit sa illegal na pagkuha ng mineral resources.
Umabot naman sa P50.5 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang makinarya.
Kabilang sa mga narekober sa mga site sa Carac-an Downstream ay ang mga excavator, pay loaders, dump trucks, generator sets, sluice boxes, water pumps, bunkhouses, at iba pang support equipment.
Nasa kustodiya na ng Cantilan police ang mga suspek habang isinasagawa ang dokumentasyon at paghahain ng pormal na reklamo sa paglabag ng Republic Act No. 7942, o Philippine Mining Act of 1995, maging ang iba pang posibleng environmental at immigration offenses.
Trending
- Delos Santos nagwagi ng 3 ginto sa Asian weightlifting
- Rene Baterbonia merchandise ibinebenta sa P650 ang jersey, P350 ang keychain
- Fans, masaya sa pagbabalik ni Kris sa limelight!
- Dimples, kinulit sa advice para kay Bea
- Kier at anak na si Dani, magkasundo na
- Hagonoy, Bulacan isinailalim sa State of Calamity
- ASF kumalat na sa 5 barangay sa Bacolod
- 132 motorsiklo, na-impound sa Oplan Lambat-Bitag sa Kabacan

