Sasabihin ng 18 indibidwal na nagpakilala bilang dating Marines ang lahat ng kanilang mga nalalaman, patungkol sa paghahatid ng mga cash sa ilang politiko mula kay dating congressman Zaldy Co, sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, ayon sa kanilang legal counsel nitong Lunes, Hunyo 8.
Ayon kay Atty. Levito Baligod, ang kanilang affidavit ay ang “initial” information pa lamang at ang lahat ng detalye ay ibubunyag sa imbestigasyon ng Ombudsman.
“Doon sa Ombudsman investigation, ‘yun ang medyo proper, no? So iisa-isahin ‘yan. Merong panel of investigators so doon nila ibibigay lahat pati ‘yung mga pictures, videos, doon lahat,” ani Baligod.
“Recently, nakatanggap ako ng tawag galing sa Office of the Ombudsman and humingi sila sa akin ng schedule kung kailan maaari pumunta ang mga sundalo doon at meron na kaming schedule,” dagdag pa niya.
Aniya, haharap sila sa Ombudsman sa Hunyo 11, 15, at 16.
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

