Nasagip ang pitong pasahero, kabilang ang apat na senior citizen, nang lumubog ang isang motorbanca sa katubigang nasa pagitan ng Barangay Tilmobo, Pres. Carlos P. Garcia, Bohol at Barangay Guadalupe, Maasin City, Southern Leyte, noong Biyernes.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, agad naglunsad ng search and rescue operation ang Coast Guard Sub Station Pres. Carlos P. Garcia sa koordinasyon sa Task Force Kalikupan nang matanggap ang ulat ng insidente.
Inilipat sa rescue vessel ng lokal na pamahalaan ang apat na senior citizen, habang ligtas ding nadala sa baybayin ng Barangay Tilmobo ang tatlong iba pang pasahero.
Kalaunan, dinala ang mga nasagip na senior citizen sa Pitogo Port at itinurn-over sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para sa kaukulang tulong.Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
Trending
- Delos Santos nagwagi ng 3 ginto sa Asian weightlifting
- Rene Baterbonia merchandise ibinebenta sa P650 ang jersey, P350 ang keychain
- Fans, masaya sa pagbabalik ni Kris sa limelight!
- Dimples, kinulit sa advice para kay Bea
- Kier at anak na si Dani, magkasundo na
- Hagonoy, Bulacan isinailalim sa State of Calamity
- ASF kumalat na sa 5 barangay sa Bacolod
- 132 motorsiklo, na-impound sa Oplan Lambat-Bitag sa Kabacan

