Patay ang isang pitong taong gulang na bata nang paluin ng kahoy na “dos por dos” sa bayan ng Baliguian, Zamboanga del Norte noong Abril 8, 2026.
Kinilala ang biktima na si Tamtam Alegase. Ayon sa ulat, pumasok umano ang bata sa isang compound upang kumuha ng mangga.
Subali’t sa halip na pagsabihan, pinaghahampas umano ito ng salarin gamit ang kahoy nang maabutan sa loob ng nasabing lugar.
Dahil sa tindi ng tinamong pinsala, agad na nasawi ang biktima.
Sa isinagawang imbestigasyon, iginiit ng suspek na layunin lamang nitong magbigay ng leksyon o babala sa sinumang papasok sa kanyang ari-arian.
Gayunman, umani ng matinding galit mula sa komunidad ang insidente, at nananawagan ang mga residente ng agarang hustisya para sa bata.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa kaso.
Trending
- Delos Santos nagwagi ng 3 ginto sa Asian weightlifting
- Rene Baterbonia merchandise ibinebenta sa P650 ang jersey, P350 ang keychain
- Fans, masaya sa pagbabalik ni Kris sa limelight!
- Dimples, kinulit sa advice para kay Bea
- Kier at anak na si Dani, magkasundo na
- Hagonoy, Bulacan isinailalim sa State of Calamity
- ASF kumalat na sa 5 barangay sa Bacolod
- 132 motorsiklo, na-impound sa Oplan Lambat-Bitag sa Kabacan

