Umabot na sa 61 indibidwal ang naitalang nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Batay ito sa pinakahuling datos ng OCD nitong 6:00 ng umaga ng Sabado, Hunyo 13, matapos ang lindol na nangyari noong Hunyo 8, kung saan natukoy ang epicenter nito sa Sarangani.
Ayon kay OCD Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV sa isang panayam, patuloy pa ang beripikasyon ng pagkakakilanlan ng mga nasawi, ngunit nakumpirma na ng mga awtoridad ang bilang ng mga katawan na natagpuan.
Samantala, bukod sa 61 katao na nasawi, nasa 33 pa ang nawawala habang 1,221 ang naitalang nasugatan.
Patuloy naman ang mga operasyon ng mga awtoridad sa mga apektadong komunidad.
====
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader

