Inaresto ang anim na katao sa isinagawang kilos-protesta nitong Lunes ng umaga, Hulyo 27, bago ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
Kinumpirma ni Philippine National Police chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagkakaaresto sa anim na katao nguni’t hindi muna pinangalanan ang mga ito.
Ayon naman kay Quezon City Police District Director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, inaresto ang mga nasabing indibidwal dahil sa umano’y vandalism sa isang lugar sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Naganap ito sa kasagsagan ng girian ng mga protester at anti-riot police sa pagtatangka ng una na makalapit sa Batasang Pambansa Complex kung saan gaganapin ang ika-limang SONA ni PBBM.
====
Trending
- Aira Villegas at Albert Ian Delos Santos, flag bearer sa Asian Games
- Elena Rybakina, bagong World No. 1 sa women’s tennis
- Sofia Andres, binunutan ng walong ngipin, nabungal!
- Pops, unang nakatapak sa star ni Lea
- Bianca, ginawang debut ang 90th bday ng lola!
- 2 SUV winasak ng grupo ng Partisano
- Kaso vs Michelle Dee, Rhian Ramos at iba pa, ibinasura
- DSWD sinuportahan ang regulasyon sa online platform

