Nahukay ng magkasanib na pwersa ng militar at pulisya ang mga labi ng limang indibidwal sa isang liblib na lugar sa Barangay Dilimbayan, Maguing, Lanao del Sur noong Mayo 11, 2026.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang 55th Infantry Battalion mula sa mga residente hinggil sa umano’y mga labi na matagal nang nakabaon sa nasabing lugar.
Dahil dito, agad silang nakipag-ugnayan sa Maguing Police Station at Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Lanao del Sur Police Provincial Office upang magsagawa ng wastong paghuhukay at pagsusuri sa lugar.
Matapos mahukay, dinala ang mga buto sa Francfort Public Cemetery sa Amai Manabilang, Lanao del Sur upang mabigyan ng maayos at pormal na paglilibing.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga natagpuang labi at kung may kaugnayan ito sa mga kaso ng nawawalang indibidwal sa lalawigan.
Nanawagan din ang mga otoridad sa publiko na agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o kampo ng militar kung may impormasyon kaugnay sa mga nawawalang kaanak o kakilala upang makatulong sa imbestigasyon.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

