Apektado ng matinding init ang kabuhayan ng nasa 4,000 magsasaka sa Alabel, Sarangani.
Kabilang sa mga nakitang epekto ng matinding init ng panahon ay ang mga napinsalang puno ng saging at mga hindi tumuloy na bunga, mga mais na halos malanta na, at mga baka na nahihirapang makahanap ng makakain dahil sa mga tuyong damo.
Aminado naman ang mga magsasaka na apektado ng mahabang panahon na walang ulan ang kanilang mga aning gulay dahil sa mababang kalidad nito.
Sa inisyal na report ng Office of the Municipal Agriculturist noong Abril 2026, karamihan sa 4,000 apektadong pamilya ay nagtatanim ng mais, gulay, saging, bigas, at high-value crops tulad ng abaca.
Nasa 6,000 ektarya naman ang napinsalang taniman.
“Sad to say grabe naman kaayo ang kainit pila na ka semana nga walay gaulan here sa lowland up to sa upland areas dinhi sa Alabel, daghan gyud mga reports nga mortality o pagkamatay sa atuang mga crops,” sinabi ni Municipal Agriculturist, Giselle Gestupa.
Dahil dito ay pinalalakas ng opisina ang pagsali sa mga magsasaka sa crop insurance sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Tinuturuan din ang mga anak at asawa ng mga magsasaka ng alternatibong kabuhayan lalo na sa panahon ng tag-init.
Patuloy namang aalamin ng opisina ang mga malapit na water sources na maaaring makasuporta sa irrigation system para sa upland farming areas.
Trending
- Bossing, ka-collab ni Vice sa MMFF 26
- Kobe, tinawag na ‘tita’ si Marian
- Best friends can also “betray” you
- Foreign riders nangibabaw sa Stage 1 ng Tour of Luzon
- ICC magdaraos ng status conference sa Mayo 27
- Pagpapatuloy ng power spot market ops ipinag-utos
- Mas matibay na bilateral relations sa Oman isusulong
- Kitty : ‘Di magnanakaw ate ko

