Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ng mga representative’s ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 4 na indibidwal sa Brgy. Mabini, Surigao City.
Naaresto ang mga suspek na nagsasagawa ng ilegal na pagmimina nang walang kaukulang mga permit at dokumento mula sa DENR.
Nakumpiska sa kanila ang 2 units ng backhoe, 8 sako ng gold ore, sluice matting, metal hose/slurry pipe, water pump, at iba pang mga kagamitan.
Kung saan tinatayang nasa 9.5 million pesos ang halaga ng mga ebidensyang nakumpiska sa mga ito.
Nahaharap ang mga naarestong indibidwal sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7942 o Philippine Mining Act of 1995.
==
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

