Nasawi ang 4-anyos na batang babae at nasugatan ang 7-anyos na batang lalaki nang masunog ang kanilang bahay sa Purok Lubi, Sitio Caolong, Barangay Campo 4, Talisay City noong Sabado ng hapon, Hulyo 25.
Nagtamo ng matinding paso sa katawan at mukha ang batang babae at idineklarang dead on arrival sa ospital. Samantala, napaso ang kanang palad ng batang lalaki matapos tumalon mula sa ikalawang palapag ng bahay at dumaan sa bintana upang makaligtas.
Ayon sa imbestigasyon ng Talisay City Fire Station, nasa silid sa ikalawang palapag ang magkapatid nang sumiklab ang sunog. Natutulog ang batang babae habang gumagamit naman ng cellular phone ang batang lalaki.
Sinubukan ng kanilang ina na sagipin ang batang babae, ngunit naka-lock ang pinto ng silid. Tinangka niya itong abutin sa pamamagitan ng bintana, ngunit nadatnan na niyang malubha nang nasunog ang kanyang anak.
Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa Talisay City, electric clip fan ang pinagmulan ng sunog.
Trending
- Eala dapa kay Anisimova; akyat sa WTA No. 17 ranking
- Baterbonia, Adili inalala bago ang tapatan ng Ateneo Blue Eagles, Fatima Phoenix
- Michael V, may tribute kay Alex Eala
- Ina ni Awra, may breast cancer
- Priscilla, planong bumalik sa showbiz
- Kelot kumakatay at nagbebenta ng aso, arestado
- 3 sangkot sa pananaksak at ikinasawi ng estudyante
- Makapal, masangsang na likido kumalat sa baybayin ng Batangas

