Mas marami nang car owner sa Metro Manila ang pinipiling mag-commute dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo bunsod ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsabing nabawasan ng hanggang 30,000 sasakyan ang dumaraan sa EDSA mula pa noong Lunes.
Nauna nang iniulat ng MRT-3 na nadagdagan ito ng 13,000 pasahero noong Lunes, ngunit sinabi ng operator nito na sapat ang mga tren upang maserbisyuhan ang dumadaming commuter, dahil may 19 na tren na magagamit tuwing peak hours.
Ayon sa isang transport expert, sapat pa rin ang pampublikong transportasyon sa Metro Manila kahit limitado ang bilang ng mga tren, basta’t patuloy na bumibiyahe ang mga jeepney driver.
Ngunit dahil sa tumataas na presyo ng langis na nagtutulak sa ilang public utility vehicle driver at operator na huminto sa pamamasada, maaaring kailanganin ng gobyerno na i-lease ang mga ito o magbigay ng service contracts.
“Service contracting can be extended to jeepneys and tricycles as well. Maybe prioritize jeepneys and buses dahil sila malaki capacity. By running them and supporting them, we expect more people will take up commuting,” pahayag ni Jose Regin Regidor, director ng UP Institute of Civil Engineering.
Sinabi naman ng Department of Transportation na mayroon na itong plano para sa service contracting at naghihintay na lamang ng pagpapalabas ng budget. Tiniyak din nito sa publiko na nagpapatuloy ang operasyon ng pampublikong transportasyon.
Idinagdag ni Regidor na maaari ring gumamit ng bisikleta o maglakad ang publiko, at panahon na rin umano upang ibalik ang protected bike lanes at ayusin ang mga sidewalk, tulad ng mga hakbang noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Trending
- ‘Di ako takot sa Trump admin – Pope Leo
- Brgy. officials sa ikatlong termino, disqualified na sa BSKE 2026
- BSKE budget realignment sa fuel crisis, ‘unconstitutional’
- DOF: Pagsuspinde ng excise tax ng gasolina at diesel, halos wa-epek din
- Mas mabilis na pagkuha ng permit, inilunsad ng DENR sa Maynila
- Dark-colored shirts, pinakamabisang proteksiyon kontra UV rays — pag-aaral
- Higit 3.9M nagparehistro sa BSKE 2026
- 6-buwang ‘salary donation’ ng mga kongresista vs oil crisis, isinusulong

