Aabot sa 30 katao ang naaresto sa ilegal na operasyon ng online sabong sa Talisay City, Negros Occidental.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), isinagawa ang pagbuwag sa operasyon sa isang private property sa Barangay Concepcion noong Huwebes, Abril 23.
Narekober umano ng mga awtoridad ang mga gamit sa live streaming at komunikasyon, gayundin ang mga panabong na manok.
Sinabi naman ni Talisay City Mayor Rowena Lizares na aabot sa 280 manok ang nakumpiska na may kaugnayan sa serye ng pagnanakaw ng mga panabong sa lungsod.
Inihayag din ng alkalde na kabilang si Atong Ang sa mga naiulat na financier ng ilegal na online sabong.
Samantala, sinabi naman ng pulisya na dalawang indibidwal ang nasagip sa operasyon at isang minor din ang isinailalim sa proper care and protection.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang inihahanda ang mga kasong kriminal laban sa mga suspek, ayon pa sa PNP.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

