Nakumpiska ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency 9 ang abot sa P20.4 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Cabatangan sa Zamboanga City nitong hapon ng Biyernes, April 24.
Mismong ang regional director ng PDEA 9, si Bryan Babang, at ang tanggapan ni Zamboanga City Mayor Khymer Adan Olaso ang nagkumpirma nitong Sabado ng pagkasamsam ng tatlong kilong shabu sa dalawang dealers na nalambat sa naturang anti-narcotics operation.
Hindi na pumalag pa ang mga suspects ng arestuhin ng magkasanib na mga PDEA 9 agents at mga pulis mula sa iba’t-ibang units ng Police Regional Office 9 na kanilang nabentahan ng shabu sa gilid ng Bypass Road sa Barangay Cabatangan.
Nakumpiska sa naturang entrapment operation ang tatlong kilong shabu, nagkakahalaga ng P20.4 million, na siyang gagamiting ebidensya sa pagsampa laban sa dalawang suspects ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

