Nasawi ang tatlong estudyante at pito ang sugatan matapos ang isang insidente ng pamamaril na naganap sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte, Lunes ng umaga ng Hunyo 22.
Ang 3 nasawing estudyante pawang grade 9 na estudyante habang nilalapatan naman ang 7 sugatan na pawang rin estudyante sa pagamutan nang magtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan
Kinilala ng pulisya ang pangunahing suspek bilang isang 15-anyos at 14-anyos na Grade 9 student ng nasabing paaralan.
Batay sa paunang ulat ng Tacloban City Police Office, naganap ang insidente 9:00 ng umaga.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad sa lugar upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro.
Nahuli umano agad ang unang suspek sa loob mismo ng paaralan matapos ang insidente.
Habang naaresto naman ang ikalawang suspek sa Barangay 87 malapit sa paaralan sa tulong ng mga residente na boluntaryong tumulong sa paghahanap sa kanya.
Narekober naman ng mga otoridad ang ginmit na isang cal 38 pistol  at  Glock cal 9 mm pistol.
Nabatid na pinasok ng mga suspek ang isang classroom ng paaralan habang nagklase-klase ang  mga estudyante at pinaputukan ang mga ito dahilan magkagulo at magtakbuhan ang palabas ng nasabing silid.
Hinabol ng mga suspek ang ilang mga nagtatakbuhan ng mga etudyante hanggang sa makapasok sa 2 silid ng paaralan at muling namaril.
Isinasagawa na ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa likod ng pamamaril at malaman ang buong detalye ng pangyayari.
Patuloy namang hinihikayat ng mga awtoridad ang publiko na maghintay sa opisyal na resulta ng imbestigasyon habang nagpapatuloy ang pagkalap ng karagdagang impormasyon tungkol sa insidente.

Share.