PATAY ang tatlong menor de edad matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang truck na may kargang tubo sa Damulog, Bukidnon noong Hunyo 30.
Kinilala ang mga biktima bilang isang 16-anyos na rider at ang dalawa nitong angkas na 13 at 10 taong gulang.
Sa ulat, papunta umano ang mga biktima sa Poblacion upang umigib ng tubig nang mangyari ang aksidente, habang patungo naman sa Barangay Anggaan ang truck.
Ayon kay Damulog Municipal Police Station chief Police Capt. Marlon Subrian, bumangga ang motorsiklo sa likurang gulong ng truck kaya nagulungan ang tatlong sakay.
Agad silang isinugod sa ospital ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ngunit idineklarang dead on arrival.
Isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck ngunit kalaunan ay pinalaya matapos umanong magkaayos ang magkabilang panig.
Ayon sa driver, tila nabigla umano ang mga biktima nang makita ang paparating na truck, na pinaniniwalaang naging sanhi ng banggaan.
Wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya ng mga biktima.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

