Nasa 21 indibidwal, kabilang ang drayber ng pampasaherong jeep, ang sugatan matapos makabanggaan ang sports utility vehicle (SUV) sa national highway sa Barangay Tallungan, Reina Mercedes, Isabela noong Huwebes, Mayo 7.
Ayon kay Police Major Danilo Malab, hepe ng Reina Mercedes Police Station, tinukoy ang drayber ng SUV na isang 63-anyos na lalaki mula sa Barangay San Andres, San Mateo, Isabela.
Sa inisyal na imbestigasyon ay nakita na ang dalawang sasakyan ay bumibiyahe sa highway nang sinubukang mag-overtake ng SUV sa isa pang sasakyan ngunit bumangga sa kasalubong na jeepney.
Dahil sa impact ay bumaliktad ang jeepney at natanggal ang gulong sa lakas ng pagkakabangga.
Agad na isinugod sa ospital ang lahat ng pasahero ng jeep kabilang ang drayber.
Hindi naman nasaktan ang drayber ng SUV.
Nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries ang drayber ng SUV.
Trending
- Manila AQ Prime Assets, Itinaas ang Rekord sa PCAP sa 4–0
- BSKE: TRO hiniling ni Macalintal sa urgent motion
- Pekeng hotel accomodations, nauuso sa “ber months” : Mag-ingat
- MAG-INGAT: SCAMMERS GAMIT ANG NCAP
- NBI AAKSIYUNAN ANG SAGOT NI VP SARA SA ALEGASYON NI GRACIOSO
- MASTER SERGEANT TANGGAL SA PWESTO
- Bebot na “tulak”, nalambat
- Piolo Pascual ganado ngayong Pasko

