Umakyat na sa 20 ang bilang ng mga nasawi sa Bagyong Inday at pinalakas nitong Habagat sa Mindanao at Visayas.
Ayon sa mga awtoridad, nagpapatuloy ang search operations para sa 16 indibidwal na nawawala kasunod ng malalaking landslide at malawakang pagbaha.
Isa sa pinakahuling nadagdag sa listahan ng mga biktima ay nagmula sa Barangay Tanuman sa Jose Abad Santos, Davao Occidental, matapos na makaranas ng malalakas na pag-ulan at pagbaha ang munisipalidad noong Hulyo 10.
Hanggang nitong Linggo ng hapon, Hulyo 12, ay mayroong 16 indibidwal ang nawawala sa Mindanao. Walo ay mula sa Jose Abad Santos, isa sa Malapatan, Sarangani, at apat sa Calanogas, Lanao del Sur.
=====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

