Ang utang na umano’y umabot sa P8 milyon at personal na away ang lumilitaw na motibo sa pamamaslang sa pro Marcos vlogger na si Alicia Lipata, o mas kilala bilang “Mima Alicia.”
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ito ang lumalabas sa kanilang imbestigasyon kung saan tukoy na rin ang dalawang mastermind na isang negosyante at kasosyo sa negosyo.
Napag-alaman na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Lipata at ang dalawang ‘utak’ dahil sa P8 million na utang.
Ang dalawang mastermind ay kinilala umano ng mga naarestong suspek.Gayunman, tumanggi ang PNP chief na pangalanan ang mga suspek dahil patuloy pa ang imbestigasyon.
Aniya, naisampa na ang mga kaso laban sa mga ito nguni’t nananatiling nakalaya at tinutugis ng mga awtoridad.
Si Lipata, na kilala bilang tagasuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay binaril ng riding-in-tandem na mga suspek sa harap ng kanyang bahay sa Caloocan City noong madaling araw ng Hulyo 17.
Naaresto naman noong Hulyo 23 sa Mabalacat City, Pampanga ang dalawang umano’y gunman na sangkot sa pagpatay. Ayon sa PNP, posibleng inupahan lamang ang mga ito upang isagawa ang pagpaslang.
Trending
- Bgy. tserman patay sa ambush
- LGU employee nakuhanan ng P129k shabu
- Pump Boat may sakay na mga guro, volunteer, at reservist, lumubog
- 2 ‘utak’ sa vlogger pinatay sa P8m utang kinasuhan na pero laya pa
- Ex-cong. at convicted rapist Romeo Jalosjos pumanaw na
- Krimen sa bansa, ‘sensational’ lang sa socmed
- Marcoleta tumangging maghain ng plea sa PD 46
- Subpoena vs Leviste, Paras ipadadala na ng NBI

