Naglabas ng babala ang mga awtoridad nang matagpuan ang isang abandonadong bangka na palutang-lutang sa karagatan malapit sa Lantawan, habang patuloy na hinahanap ang dalawang nawawalang mangingisda na pinaniniwalaang biktima ng maritime hijacking.
Kinilala ang mga nawawala na sina Sattih Masala Baradjih at Darwin Muhajiran Abdulgapar, na umano’y bumiyahe mula Panducan Island patungong Isabela City.
Batay sa paunang impormasyon mula sa kanilang pamilya, pinaniniwalaang hinarang ang kanilang sinasakyang pump boat ng isa pang bangka na sinasabing may sakay na armadong kalalakihan.
Pinaghihinalaang kinuha ang kanilang kargamento bago tuluyang nawala ang dalawa.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad, katuwang ang mahigpit na pagbabantay sa mga coastal barangay sa Basilan upang maiwasan ang posibleng karagdagang insidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang tunay na nangyari at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

