Nasakote na ang dalawang suspek sa pagpaslang sa vlogger na si Alicia “Mima Alicia” Lipata sa Mabalacat, Pampanga nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Kinilala ng PNP ang mga suspek na sina alyas “M.S.”, na umano’y gunman, at alyas “J.A.”, na sinasabing nagsilbing driver ng motorsiklong ginamit sa krimen.
Haharap ang dalawa sa mga kasong murder, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at paglabag sa Republic Act No. 9516.
Nasamsam umano mula sa mga suspek ang dalawang hand grenade, isang 9mm pistol, at isang caliber .45 pistol na pinaniniwalaang ginamit sa pagpaslang sa vlogger.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen.
Matatandaang nasawi ang 24-anyos na pro-BBM vlogger nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Caloocan City noong Hulyo 16. 

Share.