Nahuli na ng mga awtoridad sa isinagawang hot pursuit operation ang dalawang armadong lalaking nangholdap sa loob ng isang bus sa Camarines Sur nitong Biyernes.
Ayon sa ulat, sumakay ang mga nasabing suspek sa nasabing bus at naharang at naaresto ang mga ito sa kahabaan ng Maharlika Highway sa tapat ng Camp BGen. Arsenio P. Natividad, Brgy. Rosario, Gumaca, Quezon.
Kung saan isa-isang pinababa ang lahat ng mga pasahero para tukuyin ang dalawang suspek na nakasuot ng itim na mga jackets at sumbrero kung saan ang isa sa kanila ay may tatoo sa kanyang mukha.
Sa isinagawang pagkakakap ng mga operatiba sa lahat ng mga lalaking suspek, positibong natukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang mga suspek.
Narekober sa kanila ang dalawang baril na may magasin, dalawang extra na magasin, iba’t-ibang currency ng pera kabilang ang ilang peso bills, at iba’t ibang uri ng alahas.
Agad na tinurn over ang mga nasabing suspek at nakuhang ebidensya sa kustodiya ng pulisya para sa tamang dokumentasyon at masusing imbestigasyon at sa pagsasampa ng kaukulang mga kaso.
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France

