Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na mahigit 12,000 personnel at force multipliers ang ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila para sa paggunita ng ika-128 Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.
Ayon sa PNP, nakalatag na ang mga planong pangseguridad ng lahat ng Police Regional Offices sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan, event organizers, at iba pang ahensya upang matiyak ang maayos at ligtas na selebrasyon.
Kabilang sa mga babantayang aktibidad ang flag-raising ceremonies, wreath-laying, civic at military parades, cultural presentations, at iba pang pagtitipon na inaasahang dadaluhan ng libo-libong Pilipino sa buong bansa.
Sa National Capital Region, umabot sa 12,414 personnel at force multipliers ang ipinakalat, kabilang ang 11,675 PNP personnel, 143 mula sa partner units, at 596 force multipliers.
Tututukan ng seguridad ang mga pangunahing lugar gaya ng Rizal Park, ruta ng Parada ng Kalayaan, Andres Bonifacio Monument, Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion, at Pinaglabanan Memorial Shrine.
Nagtalaga rin ng mga tauhan sa Malacañang area, paligid ng United States Embassy, mga checkpoint, at iba pang estratehikong lokasyon para sa seguridad, traffic management, at agarang pagtugon sa publiko.
“Hinihikayat namin ang ating mga kababayan na makiisa sa pagdiriwang nang responsable at makipagtulungan sa mga awtoridad upang maging maayos at ligtas ang lahat ng aktibidad,” ani PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Trending
- Lolang magre-relax sa mall, kulong sa bomb joke
- SUV driver sa SLEX hit-and-run sumuko na – HPG
- 2 minor nasagip sa online sexual exploitation ng ina
- 12K personnel ipinakalat sa Metro Manila para sa Araw ng Kalayaan – PNP
- PNP, NBI, CIDG pasok na imbestigasyon sa pagkalunod ng 2 Ateneo cager
- P86.7m inabandonang pulang sibuyas nasamsam sa MICP
- 45 na nasawi sa lindol sa Mindanao
- 2 DPWH opisyal sangkot sa maanomalyang flood control project, tukoy na kinaroroonan

