Tumaob ang isang bangka sa bahagi ng Sitio Palasan 1, Barangay Maligaya sa bayan ng General Nakar, Quezon, 8:15 ng umaga nitong Miyerkoles, Abril 15.
Ayon sa ulat, bumiyahe ang bangka mula Barangay Pamplona patungo sana sa Sitio Magnak, Barangay Canaway nang mangyari ang insidente dahil sa malalaking alon.
Lulan nito ang walong matatanda at apat na bata.
Agad na nailigtas ang lahat ng sakay matapos ang mabilis na pagresponde ng mga awtoridad at mga residente sa pangunguna ng Barangay rescue team, mga barangay tanod at Patrol Base Maligaya.
Nakiisa na rin sa pagre-rescue ang samahan ng mga mangingisda kasama ang mga boluntaryong residente na agad rumesponde.
Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa mga sakay.
Ligtas ding naiahon ang bangka matapos ang isinagawang operasyon.
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

