Umaabot sa 1,096 ang bilang ng mga indibidwal anf naaresto dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa Maynila.
Sa loob ng 24 oras, pinakamarami na nadampot sa magkakahiwalay na operasyon ay mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar na nasa 540 ang bilang.
Nasa 143 na menor de edad naman ang isinasama dahil sa paglabag sa curfew kung saan isinailalim sila sa beripikasyon at profiling saka pinasundo sa mga magulang.
Nasa 118 na inabutan sa kalye na walang suot na damit pang-itaas kung kaya’t lahat sila ay natikitan dahil sa paglabag sa ordinansa.
Aabot rin 64 ang nahuli ng MPD matapos lumabag sa batas trapiko na karamihan ay mga nakamotorsiklo.
Hindi na rin nakatakbo pa at dinampot ng MPD ang nasa 24 na indibidwal na inabutan na nag-iinuman sa lansangan na isa sa mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng ordinansa ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

===

Share.