Nasawi ang isang residente at mahigit 600 katao ang napilitang lumikas nang hagupitin ng matinding pagbaha ang tatlong barangay sa Malaybalay City, Bukidnon nitong Miyerkules, Hulyo 8.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Karding,” residente ng Purok 11, Barangay Managok, na iniulat na tinangay ng rumaragasang baha sa kasagsagan ng walang tigil na pag-ulan.
Kabilang sa mga lubhang naapektuhan ang mga barangay ng Violeta, Managok, at Miglamin sa Basakan District, kung saan nalubog sa baha ang mga kabahayan, paaralan, at iba pang imprastraktura.
Sa pinakahuling tala ng mga awtoridad, 211 pamilya o 619 indibidwal ang agad na inilikas patungo sa mga evacuation center upang maiwasan ang mas malaking trahedya.
Ayon sa mga opisyal, dulot ang pagbaha ng tuloy-tuloy na pag-ulan na hatid ng Habagat, na lalo pang pinalakas ng epekto ng Super Typhoon Inday.
Patuloy ang isinasagawang monitoring, rescue, at relief operations ng lokal na pamahalaan habang sinusuri rin ang lawak ng pinsalang iniwan ng pagbaha.
Nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na manatiling mapagmatyag at agad na sumunod sa anumang evacuation order para sa kanilang kaligtasan.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

