Dinepensahan ng self-proclaimed ‘Pambansang Marites’ na si Xian Gaza ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi sa pambabanat ng isang partylist representative na tumutuligsa sa pag-promote ng mga social media influencer sa online gambling.

Sa kanyang latest Facebook post, binanatan ni Gaza ang kongresistang tumutuligsa kay Ivana sa pag-promote nito ng online casino.

Ayon kay Gaza, sa halip na atakehin ng hindi pinangalanang kongresista ang mga influencer ay dapat itong magsulong ng panukalang batas para tuluyang gawing illegal ang lahat ng online gambling.

“Bakit hindi mo po ipinapanukala sa Kongreso or nila-lobby sa mga kapwa mo kongresista na magpasa ng batas nag awing illegal lahat ng online casino sa buong bansa

“Instead ang pinag-iinitan mo at pinupuntirya mo ‘yung mga influencers na nagpo-promote directly at indirectly ng online casino just like Ivana Alawi,” ani Gaza.

Aniya, hindi naman magpo-promote ng online casino si Ivana at ang sinumang influencer kung illegal ito kaya umano parang “echos” lang ang pambabanat nito kay Ivana.

“Ang dating sa akin echos mo lang ‘toh. For the show lang kasi wala ka naman ginagawang aksyon para maprotektahan yung mga manggagawang Filipino sa sugal. Ginagamit mo lang ‘yung camera at ginagamit mo yung kasikatan ng isang (influencer na may) 53 million followers, number 1 most followed Filipino on social media

“Kapag naki-ride ka sa kasikatan nya ‘yung milyon milyong filipino na ayaw sa online casino bibilib sa ‘yo mahahatak mo,” ani Xian. “For the show lang siya kasi meron kang bigger plans sa 2028.”

Bagama’t hindi binanggit ni Xian ang pangalan ng kongresista, si Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando ang nagiging maingay laban kay Ivana.

“Nagpapapogi ka lang babanatan mo si Ivana para ngayon ‘yung mga taong ayaw sa online casino at sa gambling mahatak mo maging followers mo maging fans mo,” ani Xian, “kanya-kanyang karakas yan eh.”
===

Share.
Exit mobile version