Inaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang limang katao kabilang ang 2 aktibong pulis sa pangototong sa aplikante ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang entrapment operation sa San Fernando City, Pampanga.
Ang dalawang naarestong pulis mayroon ranggong Police Lieutenant, Team Leader ng Basilan Provincial Cyber Response Team ng Anti-Cybercrime Group; at Patrolman nakatala sa 2nd PMFC, Zambales PPO; habang ang 3 sibilya na may edad na 55-anyos, 59 at 62 -anyos.
Ayon kay PNP Chief Gen Jose Nartatez Jr, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na elemento ng CIDG Regional Field Unit 3, CIDG Pampanga Police Field Unit sa shooting range store sa Barangay San Nicolas, San Fernando City, Pampanga.
Isiganagawa ang operasyon batay sa reklamo ng isang 29-anyos na aplikante ng hingian ng P150,000.00 ng mga suspek at pagtiyak na makakapasok sa hanay ng Pambansang pulis.
Narekober ang P1,000.00 genuine marked money at P50,000.00 boodle money, cellular phones, government-issued IDs, sling bag, at Honda Mobilio.
Nasa kustodiya ng CIDG RFU 3 Office ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban  sa mga ito samantala ni-relieve sa kanilang mga puwesto sina PLieutenant at Patrolaman at  sasampahan ng kasong administratibo.

Share.
Exit mobile version