Mariing sinagot ng social media personality na si Xander Ford ang patuloy na pambabatikos online tungkol sa umano’y “nag-expire” na ang kanyang facial reconstruction.
Sa isang panayam, nilinaw ng content creator na walang katotohanan ang kumakalat na espekulasyon at iginiit na ang pagbabago sa kanyang itsura ay bunsod ng natural na pagbabago sa katawan at mga pinagdaraanan sa buhay.
“Actually, ‘yun po talaga ‘yung ilong ko noong lumabas ako. Ito na talaga siya, ma’am. Nag-expand lang ‘yan ma’am, kasi tumaba po ako. Ilong, tiyan,” paliwanag niya.
Ayon kay Xander, malaki rin ang naging epekto sa kanya ng sunod-sunod na pagsubok sa pamilya, kabilang ang mga karamdaman at aksidente na nakaapekto sa kanilang kalagayan.
Dagdag pa niya, hindi naging madali ang pagtanggap sa mga mapanirang komento online habang sabay na hinaharap ang mga personal na problema.
“So, ‘yung stress ko talaga, dumagdag pa ‘yung mga sinasabi ng tao na laos ka na, gano’n. Siyempre, kahit strong ako, meron pa rin inside na [mahina],” emosyonal niyang pahayag.
Sa kabila nito, sinabi ng personalidad na nakahanap siya ng lakas sa pananampalataya at sa suporta ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang anak.
“Araw-araw akong nanghihingi ng tawad sa Panginoon. Sa mga taong nasaktan ko. Pero lumalaban ako kasi alam ko meron taong naniniwala sa akin. At saka alam ko inaasahan ako ng anak ko,” aniya.
Sa ngayon, patuloy na umaasa si Xander na matatapos na ang panghuhusga sa kanya online habang ipinagpapatuloy ang kanyang buhay at responsibilidad bilang ama at public figure.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader

