Nasawi ang tatlong katao, kabilang ang 3-anyos na batang lalaki sa banggaan ng motorsiklo at pribadong sasakyan sa Barangay Panadtalan, Maramag, Bukidnon.
Batay sa imbestigasyon, paliko na sana ang motorsiklo nang bigla itong salpukin ng umano’y mabilis na sasakyang nasa likuran nito.
Sa lakas ng banggaan, tumilapon nang halos 15 metro ang 33-anyos na rider at ang kaniyang tatlong taong gulang na anak mula sa motorsiklo. Kapwa sila nagtamo ng malulubhang sugat at namatay sa ospital.
Nasawi rin ang isang pasahero ng pribadong sasakyan dahil sa mga tinamong pinsala.
Tumakas umano ang driver ng pribadong sasakyan matapos ang insidente ngunit sumuko rin sa Don Carlos Municipal Police Station makalipas ang ilang oras.
Nahaharap siya sa mga kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at damage to property.
Wala pa siyang inilalabas na pahayag.
=====
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

