Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang usap-usapan sa Senado matapos mag-viral ang insidente kaugnay kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na agad niyang pinatulan sa noontime show na “It’s Showtime.”
Sa segment ng programa, ginamit ng komedyante ang mga linya at pangyayari mula sa naturang isyu sa Senado habang nakikipagkulitan kina Vhong Navarro at Jhong Hilario, na ikinatawa ng live audience sa studio.
Kabilang sa kanyang banat ang biro tungkol sa isang “pagdapa” at pagpasok sa opisina, na halatang may halong patama sa naging eksena sa loob ng plenaryo ng Senado noong nakaraang session.
“Sabi ko kay Anne Curtis, papasok ka ba? (Sabi) Papasok ako. ‘Pag dumating ako diyan, tatanungin n’yo ba’t nando’n ako?!” pagbibiro nito.
Dagdag pa ng Unkabogable Star: “Si Anne Curtis papasok dapat, nandiyan na kanina sa ABS, umuwi. Tumatakbo kasi siya, nadapa sa hagdanan. Bumalik si Anne. Get well soon, nadapa si Anne.”
Umani ng malakas na tawanan ang studio audience dahil sa banter, na muling nagpakita ng pagiging aktibo ni Vice Ganda sa pagkomento sa mga maiinit na usaping pulitikal.
Trending
- P17.65m ismagel yosi, nasabat sa Pangasinan
- Bahay ng BARMM parliament candidate niratrat, son-in-law sugatan
- 10-anyos pisak sa dump truck
- Kanlaon nagbuga ng abo; 200-meter plume naitala
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
