Grabe ang naging biruan nina Ryan Bang at Max Collins sa “It’s Showtime” matapos silang paglaruan ni Vice Ganda tungkol sa posibilidad na mag-date ang dalawa.
Sa “Miss Q&A” segment, tinanong ni Vice si Max kung available na ba siya at kung puwede na siyang lumabas kasama ang anak-anakan niyang si Ryan.
“It’s weekend, baka gusto mo raw lumabas tonight,” pang-uurot ni Vice.
Hindi naman nagpahuli si Max at game na nakisakay sa biruan nang sabihin niya, “Ito na ba yung chance magmukbang tayo?”
Dahil sa naturang banat, agad na umalma sa kakatawa si Vice at lalo pang pinalaki ang eksena sa salitang “mukbang.”
“Uy grabe! Mukbang daw oh! Oh, panood niyan ah. Kapag nagmukbang kailangan may nanonood. Hindi puwedeng mukbang pero walang nanonood,” hirit ni Vice.
Lalo namang naging katatawanan ang eksena nang mapansin ng mga netizen ang tila ibang dating ng salitang “mukbang” sa paraan ng pagkakabiruan ng tatlo.
Karaniwang ginagamit ang “mukbang” para sa content kung saan kumakain ang isang tao o grupo habang kinukuhanan ng video, kadalasan ay may kasamang kuwentuhan.
Pero sa pagkakataong ito, naging doble ang dating nito para sa ilang malilisyosong manonood, kaya naman naging instant laugh trip ang palitan nina Ryan, Max at Vice.
Maging ang video clip ng kanilang biruan na kumalat sa social media ay umani ng reaksiyon mula sa mga netizen na natuwa sa hindi inaasahang “mukbang-an” moment ng dalawa.
====
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol
