Pinagbawalang lumahok sa anumang aktibidad ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang coaching staff ng Ateneo de Manila University Blue Eagles na naroon sa naganap na insidente ng pagkalunod sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.
Sa pahayag na inilabas nitong Biyernes, Hunyo 19, kinumpirma ng liga na ang naturang desisyon ay nagmula sa Board of Trustees base na rin sa rekomendasyon ng Board of Managing Directors.
Ayon sa UAAP, epektibo ang ban habang isinasagawa pa ang mga imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ng mga manlalarong sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Bagaman hindi tinukoy ng liga kung sino-sinong miyembro ng coaching staff sa ilalim ni dating head coach Tab Baldwin ang sakop ng direktiba, sinabi ng UAAP na ang hakbang na ito ay isang “preemptive measure.”
Layunin nitong mapangalagaan ang integridad ng ginagawang pagsusuri at matiyak ang buong transparency at due process habang kinikilatis ang mga detalye sa likod ng pagkasawi ng dalawang student-athlete.
Binigyan ng UAAP ang pamunuan ng Ateneo ng deadline hanggang Hulyo 15 upang isumite ang opisyal na resulta ng sarili nitong internal investigation ukol sa trahedya.
“The UAAP reiterates that accountability shall be determined based on the results of a thorough and impartial investigation and its fidelity to its own rules and regulations,” pahayag ng liga.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos
