New year, new beginning din ba ito para sa estranged couple na sina Rufa Mae Quinto at Trevor Magallanes?
Ikinatuwa kasi ng mga netizens ang ipinost ni Trevor sa social media nitong January 1.
Naglalaman ang Reels na ‘yon ng mga solo videos at photos ng kanilang anak na si Athena Alexandria.
But what caught the attention of the netizens ay ang larawan kung saan magkasama ang mag-asawa.
As far as the netizens are concerned–isa lang ang ibig ipakahulugan nito: Nangangamoy balikan ang mag-asawa.
Matatandaang December last year nang inilabas ni Trevor ang screen shot ng private convo sa pagitan ni Rufa Mae at ng isang lalaki.
Kasunod nito’y sumambulat na rin na may problema ang kanilang pagsasama.
Tinawag pa ngang “shit show” ni Trevor ang kanilang relasyon.
Rumesbak naman ang sexy comedienne asking her husband not to be mean to her kung gusto na nitong makipaghiwalay sa kanya.
Ang connubial isyu sa kanila came immediately after masangkot din si Rufa Mae sa parehong kasong kinaharap ni Neri Miranda.
Back to Trevor’s post, sapat na ‘yon para magbunyi ang mga netizens seeing them back together.
Pero mading nilinaw ni Trevor na: “You’ll be disappointed!”
Aniya, wala raw siyang balak makipagbalikan sa asawa.
Trevor stands his ground na ang trato pa rin niya kay Rufa Mae ay bilang ex-partner, maliban doon ay wala na.
December 13 last year nang simulan na ang pagpoproseso ng kanilang divorce papers sa kagustuhan na rin ni Trevor.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

