Nagsalita na si Eman Bacosa Pacquiao hinggil sa hinihirit ng boxing fans na tapatan nila ng half-brother niyang si Jimuel Pacquiao.
Tahasang sinabi ni Eman noong Huwebes, Abril 16, 2026 na wala siyang balak kalabanin sa iisang boxing ring si Jimuel.
“Kapatid ko siya, walang kasiyahan na mangyayari doon kung matalo o manalo man sa kapatid mo,” ani Eman.
Saad pa niya, hindi rin daw nanaisin ng kanilang amang si Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao, kung sakaling magkaroon sila ng bakbakan.
“Siyempre ayaw din yun ni dad, ayoko rin masaktan si daddy doon,” giit ni Eman.
Pahabol pa niya, “I really love you, kuya!”
Matatandaang muling umingay sa social media ang tapatang Pacquiao vs Pacquiao matapos parehong kumbroa ng knockout wins sa magkahiwalay na laban sina Eman at Jimuel. Noong Pebrero 2026, pinatulog ni Eman ang kaniyang kalabang Indonesian boxer na si Reynold Kundimang habang nakamit naman ni Jimuel ang una niyang panalo bilang pro-boxer noong Abril 4 laban sa Amerikanong si Darrick Gates.
Noong Oktubre 2025 nang gumawa ng ingay sa social media ang pagkapanalo ni Eman matapos siyang lumahok sa makasaysayang Thrilla in Manila 2.0 kung saan tila mas marami ang nakakilala sa kaniya bilang anak ni Pacman.
Si Eman ay anak ni Manny sa isang nagngangalang Joanna Rose Bacaso, isang waitress na nakilala at nakarelasyon niya noong 2003. Isinilang naman si Eman noong 2004.
Ayon sa mga ulat, walang masamang tinapay si Jinkee kay Eman at tanggap ang anak ni Manny; sa katunayan, si Mrs. Pacquaio pa raw ang humikayat na panoorin nila ang laban ng anak ni Manny.
Trending
- John Cena, tinalampak ‘TikToker’ na nangharana sa kaniya sa isang cafe
- Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!
- Award-winning actress Sue Prado pumanaw @ 44
- 1st death anniv ni Ate Guy ipinagdiwang
- Viewers ng Showtime, lumilipat sa Eat Bulaga ‘pag wala si Vice
- PBBM, nangakong wawakasan ang gutom sa bansa bago matapos ang termino
- Malacañang, nilinaw na walang direktang deal ang bansa sa Petronas para sa diesel shipment
- Over-importation ng asukal pinatatalupan
