Arestado ang tatlong dayuhang intsik at isang Pinoy, sa isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Imvestigation (NBI) gamit ang isang search warrant sa kumpanya ng bakal sa Brgy. Navaling sa bayan ng Magalang, Pampanga.
Base sa paunang imbestigasyon ng Magalang pulis na nitong Linggo 12:00 ng tanghali ng Hulyo 19, 2026 ipinatupad ang warrant sa Chuangxing Steel Plant Coporarion katuwang ang National Bureau of Investigation–Cybercrime and Forensic Management Investigation Unit (NBI-CFMIU).
Sa report na tinanggap ni Pro 3 Dir. BGen. Jess Mendez kinilala ang mga inarestong suspek na sina Honggou Wang, Ma Irish Casipe, Lyu Yang, at Lyu Jingdong kapwa nasa hustong gulang stay in sa kumpanya.
Nahaharap ang mga inaresto sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y paglabag sa Sections 13(b) at 13(d) ng Republic Act No. 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act, Presidential Decree No. 1586 o Philippine Environmental Impact Statement System; Republic Act No. 8749 o Philippine Clean Air Act, Republic Act No. 12305; Articles 18(a) at 97 ng Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines.
Samantala patuloy maman ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
======
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

