Nakabangon ang San Antonio Spurs matapos na tuluyang talunin ang New York Knicks 115-111.
Dahil dito ay mayroon ng isang panalo ang Spurs habang ang Knicks ay mayroong dalawang panalo para sa NBA Finals sa harap ng ilang libong fans ng New York.
Gaya ng ginawa ng Spurs noong Game 1 at Game 2 ay tinambakan nila ng double digit ang Knicks subalit ito ay nagtapos sa pagkapanalo.
Ang nasabing panalo ng Spurs ay siyang nagdala sa unang pagkatalo ng Knicks sa loob ng 13 sunod na panalo sa playoffs.
Bumandera sa panalo ng Spurs si Victor Wembanyama na nagtala ng 32 points, walong rebounds, anim na assists , tatlong blocks at dalawang steals.
Nalimitahan lamang sa 11 points, walong rebounds, tatlong steals at dalawang blocks ang star player ng Knicks na si Karl-Anthony Towns
====

Share.
Exit mobile version