Nagpasok ng not guilty plea si dating House Speaker Martin Romualdez sa kanyang arraignment nitong Miyerkules, Setyembre 16, kaugnay ng P7.44-bilyong plunder case laban sa kanya.
Isinagawa ang arraignment sa Sandiganbayan Third Division, kung saan pinayagan si Romualdez na lumahok sa pamamagitan ng videoconference mula sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.
Nahaharap ang dating Speaker sa kasong plunder kaugnay ng umano’y bilyun-bilyong pisong kickbacks mula sa mga pondong inilaan para sa infrastructure projects. Itinatanggi ni Romualdez ang mga alegasyon laban sa kanya.
Naaresto si Romualdez noong Setyembre 7 at kalauna’y inilipat sa Quezon City Jail matapos sabihin ng mga doktor ng Philippine General Hospital na stable ang kanyang kondisyon at hindi na kailangan ang patuloy na hospital confinement.
Trending
- PH batters tumalon sa 11th sa world rankings
- Andrea, ‘di bet ang video ni Bea kasama ang ex
- Xia Vigor, thankful kay Boss Vic
- Sarah G, pinutakti ng preggy questions sa IG!
- Selosong pastor sinunog ang bahay ng ka-live in: 100 kabahayan naabo
- Truck bumulusok sa bangin: 6 patay, 17 sugatan
- 4 katao nalitson ng buhay sa sunog sa Kyusi
- Romualdez nagpasok ng ‘not guilty’ plea sa plunder
