Nasawi ang apat na katao sa sunog na tumupok sa isang townhouse sa Road 10, Barangay Bahay Toro, Quezon City nitong Martes, Setyembre 15.
Ayon kay Quezon City Fire Marshal Supt. Don Samillano, kabilang sa mga nasawi ang dalawang senior citizen na edad 61 at 63, gayundin ang dalawa pa nilang kasama na edad 41 at 51.
Natagpuan ang mga biktima sa loob ng banyo na pinaniniwalaang kanilang tinakbuhan upang makaiwas sa apoy.
Isang residente naman ang nakalabas nang ligtas sa nasusunog na gusali.
Sinabi ni Samillano na iisa lamang ang pasukan at labasan ng townhouse.
Umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang fire out 5:10 ng hapon.
Ayon pa sa opisyal, walang natanggap na tawag ang Quezon City Fire Department hinggil sa insidente. Isang nakamotorsiklo umano ang personal na nagtungo sa Bureau of Fire Protection upang i-report ang sunog.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
Trending
- Andrea, ‘di bet ang video ni Bea kasama ang ex
- Xia Vigor, thankful kay Boss Vic
- Sarah G, pinutakti ng preggy questions sa IG!
- Selosong pastor sinunog ang bahay ng ka-live in: 100 kabahayan naabo
- Truck bumulusok sa bangin: 6 patay, 17 sugatan
- 4 katao nalitson ng buhay sa sunog sa Kyusi
- Romualdez nagpasok ng ‘not guilty’ plea sa plunder
- Marcos tiniyak sapat na food supply
