Kinilig at natuwa ang longtime fans ng SexBomb Girls matapos kumalat ang mga larawan nina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia na magkatabi at mukhang okey na muli habang nasa Honolulu, Hawaii.
Marami kasi ang nakapansin na tila wala na ang dating ilangan sa pagitan ng dalawa, kaya todo-react ang fans na matagal ding umaasang maaayos ang anumang tampuhan sa loob ng grupo.
Dahil dito, may ilang supporters tuloy na umaasang susunod na ring maaayos ang namumuong isyu umano nina Rochelle at Sunshine Garcia.
Ayon sa isang source, nagsimula raw ang “alitan” nina Rochelle at Sunshine noong mga meeting para sa “Get, Get AW!” concert reunion ng grupo.
May mga fans din na humihiling na sana’y mamagitan ang ibang miyembro ng SexBomb Girls para tuluyan nang mawala ang anumang gusot sa pagitan nina Rochelle at Sunshine, lalo’t marami pa rin ang gustong makitang buo at masaya muli ang iconic dance group.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
