Nabawasan ng tinatayang 1 milyong Facebook followers si Senador Raffy Tulfo matapos umano siyang i-unfollow ng ilang tagasuporta dahil hindi siya kabilang sa Duterte Diehard Supporters (DDS).
Ayon kay Tulfo, nasa mahigit 23 milyon na sana ang kanyang Facebook followers ngunit bumaba ito sa 22 milyon matapos may mga nag-unfollow.
“Actually 23 [million], ngayon naging 22 million na lang kasi may mga nag-unfollow. Pero okay lang, hindi naman ako kumikita diyan e,” kuwento ng senador.
Ipinaliwanag ni Tulfo na ilan sa mga nag-unfollow ay mga DDS dahil hindi siya kabilang sa naturang political group.
“‘Yung paniniwala nila, sa paniniwala ko, dahil sila ay DDS, ako neutral. Siyempre marami akong DDS na followers din,” aniya.
Ayon sa senador, nakakalungkot para sa kanya na maging dahilan lamang ng pag-unfollow ang kanyang political stance, lalo na aniya’t may ilan sa mga ito na dati niyang natulungan.
“Eto nga ang nakakalungkot… Marami akong natulungan, mismong nagsasabi sila natulungan mo at identified ko. Nang dahil lamang sa hindi ako DDS, nag-unfollow, minumura pa ako,” ani Tulfo. “Minumura ako. Siyempre sinusumbong ko sa Facebook, sa Tiktok.”
Dagdag naman ng senador, “Walang dahilan para murahin mo ako. Just because hindi ako DDS, mumurahin mo na ako, galit ka na sa akin. Wala akong ginawang kasalanan sa iyo. Tinulungan kita. Pero okay lang, that’s part of the game.”
Trending
- Andrea, ‘di bet ang video ni Bea kasama ang ex
- Xia Vigor, thankful kay Boss Vic
- Sarah G, pinutakti ng preggy questions sa IG!
- Selosong pastor sinunog ang bahay ng ka-live in: 100 kabahayan naabo
- Truck bumulusok sa bangin: 6 patay, 17 sugatan
- 4 katao nalitson ng buhay sa sunog sa Kyusi
- Romualdez nagpasok ng ‘not guilty’ plea sa plunder
- Marcos tiniyak sapat na food supply
