Pinarangalan ng Senado ang mga Pilipinong dance groups na nagpakitang-gilas sa 2026 World Hip Hop Dance Championship sa Phoenix, Arizona.
Tumanggap ng kopya ng Senate Resolution No. 591 ang Femme MNL, HQ, The Crew, Folk Jumpers at Sayawatha Jr. na lumahok sa international competition na inorganisa ng Hip Hop International.
Inihain ni Sen. Bam Aquino ang resolusyon bilang pagkilala sa kanilang tagumpay.
Nagkampeon ang Femme MNL sa Megacrew Division at HQ naman sa Adult Division. Nakuha ng The Crew ang silver medal sa Megacrew, dahilan para sa 1-2 finish ng Pilipinas sa kategorya.
Nag-uwi rin ng bronze medal ang Folk Jumpers sa Adult Division at Sayawatha Jr. sa Junior Division.
Trending
- Ateneo, hopya na walang manggulo sa mga laro nila sa UAAP
- PH boxers tuldukan ang 16-tagtuyot ng medalya sa Asian Games
- Alex, ipinasilip na ang newborn baby!
- Kim, 3 buwan na raw buntis!
- Bimby, tinanggal sa EB?
- Gasoline boy patay sa pamamaril
- 16 pulis sugatan sa tensyon sa BGC rally
- Hakbang para sa epekto ng El Nino, climate change paiigtingin
