Nasawi ang isang gasoline boy nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nasa trabaho sa isang gasolinahan sa Barangay San Miguel, Liloy, Zamboanga del Norte.
Batay sa paunang impormasyon, nagpakarga umano ng gasolina ang salarin sa nasabing estasyon.
Ilang sandali matapos nito, bigla umanong bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang salarin at hindi pa batid ang pagkakakilanlan nito.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen at matunton ang responsable sa pamamaril.
Nanawagan din ang mga awtoridad sa sinumang nakasaksi sa insidente o may nalalamang impormasyon na makipag-ugnayan sa pulisya upang makatulong sa imbestigasyon.

Share.
Exit mobile version