Tinanggal na ng Pilipinas ang pansamantalang ban nito sa poultry imports mula sa Belgium kasunod ng pagsusuri ng gobyerno na nagsasabing sapat ang mga hakbang ng naturang bansa laban sa bird flu.
Sa isang department circular, kinilala ng Department of Agriculture (DA) ang regionalization protocols para sa High Pathogenicity Avian Influenza ng Belgium, na nagpapahintulot sa pagpapatuloy ng importasyon mula sa mga itinuturing na disease-free zone.
Sakop nito ang mga produkto gaya ng poultry meat, itlog, day-old chicks, at breeding materials.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang desisyon ay sumasalamin sa “science-based and risk-calibrated approach” ng pamahalaan upang mabalanse ang food supply requirements at biosecurity protection.
Nananatili rin aniyang prayoridad ng pamahalaan na protektahan ang sektor ng agrikultura habang tinitiyak ang matatag at abot-kayang suplay ng pagkain para sa mga konsumer.
“We are opening trade only after rigorous technical evaluation confirmed that the identified zones maintain strong veterinary controls and present negligible risk to local poultry health,” dagdag pa niya.
Trending
- Hunyo idineklarang “Judiciary Month” ni PBBM
- ‘Pinas tinanggal ban sa Belgian poultry
- Ping Lacson aminadong naisip mag-resign sa Senado
- Pia Cayetano nangumusta, naka-move on na sa pagiging emosyonal sa Senado
- DOH todo bantay sa mga border ng bansa vs Ebola
- US green card seekers kailangan nang mag-apply mula sa home country
- PBBM, pinalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa Global Development Programs
- Jacamos sasabak para sa bakanting WBC Youth World junior fly sa South Africa

