Nagpaabot ng papuri si World No. 17 Jasmine Paolini ng Italy kay Filipina tennis star Alex Eala matapos ang kanilang matinding laban sa fourth round ng 2026 Wimbledon Championships nitong Lunes, Hulyo 6.
Kinailangan ni Paolini na ibuhos ang kanyang buong husay upang pataubin si Eala sa loob ng tatlong set, 6-4, 4-6, 6-3, at makausad sa quarterfinals kung saan makakaharap niya si Marta Kostyuk.
“It was a tough match. Alex, she’s a really tough opponent especially here on grass. I think her game is perfect here,” ani Paolini sa kanyang post-match interview.
Para kay Paolini, nagsilbi rin itong paghihiganti matapos siyang mabigong makalusot kay Eala sa Round of 32 ng Dubai Championships noong Pebrero.
Ayon pa sa Italian tennis star, inasahan na niya ang isa na namang mahirap na laban kaya naghanda siya nang husto para sa kanilang rematch.
“She plays really well, especially on the important points. She has a lot of personality on court and I think I knew that. I tried to play my best tennis and it worked out,” saad ni Paolini.
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

