Inanunsiyo ni Agusan del Sur Governor Santiago Cane Jr. na pagkakalooban ng National Housing Authority (NHA) ng isang condominium unit ang pamilya ng yumaong Ateneo rookie na si Rene Baterbonia.
Ayon kay Cane nitong Miyerkoles, Hunyo 24, nakatanggap siya ng mensahe mula sa NHA na nagsasabing ipinag-utos ni NHA General Manager Joeben Tai na magbigay ng housing assistance sa pamilya Baterbonia.
“This is to inform you Gov. that, upon the directive of NHA General Manager Joeben Tai, a condominium unit at Madayaw Residences, located at Sierra Madre Road, Bangkal, Davao City, will be granted as housing assistance to the family of Mr. Rene Baterbonia,” ayon umano sa mensahe.
Inihayag din umano ng NHA na bibisitahin ng mga kinatawan ng NHA Region XIII ang pamilya Baterbonia sa Biyernes, Hunyo 26.
“In connection with this, representatives from NHA Region XIII will visit the Baterbonia family this coming Friday, 10:00 am, to formally inform them on the grant,” saad pa ng NHA.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos

