Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority nitong Huwebes.
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, lumago ang gross domestic product (GDP) ng bansa ng 2.8% mula Enero hanggang Marso 2026. Mas mabagal ito kumpara sa 3% noong huling quarter ng 2025 at 5.4% sa unang quarter ng 2025.
Ang 2.8% growth ay itinuturing na pinakamabagal na antas mula nang magkaroon ng 3.8% contraction noong unang quarter ng 2021 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic lockdown.
Ang GDP ay sukatan ng kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyong nalilikha sa isang partikular na panahon.
Trending
- Alas Women winalis ang Uzbeks sa AVC Opener
- Rondina, Pons umusad sa Pingtung Open
- Ivana, umayuda sa ikinulong na lolo
- Alexa Ilacad mahusay sa laplapan
- Xander Ford, sinagot ang isyung “expired” na umano ang retoke
- Indonesian nakuhanan ng P5.5m protected wildlife species
- P400K narra nasabat sa checkpoint sa Nueva Vizcaya
- P13.6m shabu nasabat sa Misamis Oriental

