Nasa 90 porsyento hanggang 95 porsyento nang handa ang Commission on Elections (Comelec) para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa Nobyembre 2, 2026.
Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia naimprenta na ang mga balota at kaunting gamit na lamang ang hinihintay na ma-procure.
Ang BSKE ay isinusulong ng mga mambabatas na muling ipagpaliban at ang muling paglalaan ng mga hindi nagamit na pondo nito para sa pagtugon ng gobyerno sa krisis sa enerhiya.
Gayunman, para kay Garcia ay dapat ituloy ang BSKE para matukoy ng publiko kung sino ang gusto nila sa posisyon.
Para sa kanya, maganda na matuloy na dahil ang eleksyon ay dapat regular na nagkakaroon upang mapalitan ng mga botante ang mga opisyal na ayaw na nila at mapanatili naman ang gusto pang manatili.
Ipinagpatuloy noong Oktubre 20, 2025 na tatakbo hanggang Mayo 18, 2026 ang pagpaparehistro ng botante sa buong bansa para sa BSKE .
Trending
- Alas Women winalis ang Uzbeks sa AVC Opener
- Rondina, Pons umusad sa Pingtung Open
- Ivana, umayuda sa ikinulong na lolo
- Alexa Ilacad mahusay sa laplapan
- Xander Ford, sinagot ang isyung “expired” na umano ang retoke
- Indonesian nakuhanan ng P5.5m protected wildlife species
- P400K narra nasabat sa checkpoint sa Nueva Vizcaya
- P13.6m shabu nasabat sa Misamis Oriental

