Nasamsam ng mga pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group, Cavite Provincial Field Unit, Bureau of Customs (BOC), Cavite Police Provincial Office, Cavite Maritime Group, at Philippine Coast Guard ang tinatayang nasa P700 milyon halaga ng mga pinaniniwalaang smuggled, substandard, at counterfeit na mga branded nd sapatos sa isang bodega sa Barangay Alapan II-A, Imus City, Cavite noong Lunes Agosto 3, 2026.
Ayon kay CIDG Cavite Provincial Field Unit, Chief Lieutenant Colonel Mark Jayson Gatdula, nadiskubre umano nila ang nasabing bodega na imbakan ng mga kontrabando kaya’t agad silang nakipag-ugnayan sa Bureau of Customs na siyang nag isyu naman ng Letter of Authority para mapasok ang nasabing bodega at tumambad sa kanila ang mga gabundok na kahon ng mga smuggled at counterfeit na sapatos.
Kabilang sa mga nasamsam ang mga sapatos na may mga tatak na Adidas, On Cloud, New Balance, ASICS, Crocs, Nike, Puma, Converse, Skechers, at Louis Vuitton. Isinagawa ang operasyon batay sa intelligence report at sa inilabas na Letter Order at Mission Order ng Bureau of Customs kaugnay ng paglabag ng hindi pa pinangalanan na may ari ng mga iligal na produkto sa Customs Modernization and Tariff Act, Consumer Act of the Philippines, at Intellectual Property Code of the Philippines.
Paalala ng mga awtoridad na ang pagpupuslit ng mga iligal na produkto ay nagdudulot ng malaking kawalan sa kita ng pamahalaan at hindi patas na kompetisyon sa mga lehitimong negosyo, at pinsala sa lokal na industriya ng mga pagawaan ng sapatos.
Nanawagan din ang CIDG sa publiko na agad iulat ang mga kahina-hinalang bodega at iba pang ilegal na aktibidad upang mapalakas ang kampanya laban sa smuggling at economic sabotage.
Trending
- Kotseng hahatakin ng financing itinakas, 6 sasakyan sinagasaan
- Cancer patient, 3 pa sugatan sa salpukan ng SUV, van sa Maynila
- P700m ismagel at pekeng Sapatos, nasamsam sa Cavite
- 226 bulok, dugyot taxi at bus, huli sa LTFRB
- Vice gov. Mamba, suspendido ng 90 days sa graft
- Sen. Bato naaresto, ‘fake news’
- Marcos, Dy, pinabubura permit para sa solar panel
- ERC, pinayagang maningil ang Meralco ng P8.7-B
