Nakatakdang makipagbakbakan si Pinay Tennis Superstar Alex Eala kontra kay Indonesian Tennis Player Janice Tjen na kasadong gaganpin sa Philippine Arena sa Disyembre 8.

Ang naturang tapatan nina Eala at Tjen ay inaasahang pinakamalaking tennis game sa bansa na maaaring panoorin nang live ng tinatayang 55,000 katao.

Sa inilabas na ticketing guideline ng Ticketworld nitong Biyernes, Setyembre 5, nasa P618 ang pinakamurang ticket na maaaring mabili ng Pinoy fans habang P824 naman ang sumunod na pinakamura na nasa Bronze B (middle section).

Batay sa ticketing pricelist ng Ticketworld, mayroong 11 sections na maaaring pagpilian ang Tennis enthusiasts kung saan naglalaro sa P25,000 at P63,000 ang dalawang pinakamahal na tickets.

Para sa VVIP, mabibili ito sa halagang P25,750 habang pumalo naman sa P63,705.50 ang ticket price ng Platinum ticket na may kasamang guaranteed seats at gala dinner na gagananpin sa Disyembre 7.

Magsisimula ang pre-sale ticketing sa Setyembre 7 na tatagal hanggang sa Setyembre 13 sa ganap na 11:59 ng gabi.

Habang ang general sale naman ay magsisimula sa Setyembre 14.
=====

Share.