Bonggang-bongga ang birthday gift ni Ogie Diaz sa kanyang anak na si Erin—isang milyong piso!
Sa video na ibinahagi ni Mama Loi na co-host sa Ogie Diaz Showbiz Update, mapapapanood ang simpleng selebrasyon ng ika-25 kaarawan ng panganay ni Ogie na si Erin.
Matapos mag-blow ng candle sa kanyang mga cake, binati ni Ogie si Erin at sinabi na dati na niyang naipangako ang kanyang magiging regalo kung makakaabot ang kanyang mga anak sa edad na 25 na single pa at walang anak.
Ayon kay Ogie, gusto niya kasing ma-enjoy ng kanyang mga anak ang buhay single ng mga ito bago pumasok sa buhay may-asawa.
“Pangako ko kasi sa kanila (limang anak) kapag wala pa kayong asawa, wala pa kayong anak, Erin my gift to you,” ani Ogie sabay abot sa anak ng malaking tseke na naglalaman ng isang milyong piso.
Nagpaliwanag din si Ogie na hindi naman pagyayabang ang kanyang bonggang regalo.
“Baka sabihin nagyayabang, 25 na kasi siya. Sabi ko kasi walang asawa, walang anak at 25 (ay reregaluhan ng isang milyon) kasi gusto ko i-enjoy nila ‘yung kanilang kabataan kasi mahirap mag-asawa o nakipag-live in na tapos magkakaanak tapos iiwan mo ‘yung anak mo sa amin tapos gigimik-gimik ka kaya i-enjoy mo muna (ang pagiging single),” sey pa ni Ogie.
Ang naturang halaga ay gagamitin naman daw ni Erin sa itatayo nitong negosyong coffee shop.
Trending
- Thai fans kinuwestiyon PVL awards matapos magkampeon ang EST Cola
- Gilas Pilipinas durog sa Bahrain sa 2026 Asian Games campaign opener
- Maricel Soriano mabait kahit mataray
- Lotlot de Leon bilib sa pag-aalaga ni Jericho Rosales kay Janine
- Vilma Santos ‘di pinalad maging National Artist
- Protesta sa harap ng DOLE, nauwi sa komosyon
- 2 Pulis, 3 pa arestado sa kotong sa mga aplikante ng PNP
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
